Dati paggising mo, nakahanda na ang almusal, ang damit mo na pampasok - wala kaming uniporme nun, me mainit na tubig galing kaldero hindi galing sa susyal na water heater ang pampaligo mo. Kuntento ka na sa singko pesos na baon pambili ng samalamig, turon, bananaque o yung mamisong tinapay na may pahid ng star margarine, peanut butter o lady's choice. Naglalakad pagpasok, yung tipong lahat ng tindahan na madaanan binibilhan hanggang sa piso na lang ang matira sa baon para naman kahit kris pop makabili ka sa recess. Nakakamiss yung klasmeyt mo na nagtitinda ng bayabas na ninenok lang din pala sa kapit bahay nila - pero pinapatulan mo rin ng bili. Pagdating ng recess, nagtutulakan sa pila, nagsusuntukan para lang mauna. Sa loob ng 15 minuto nakameryenda ka na, nakapanuood ka pa ng cinemax kasi me dumudugo ang ilong sa suntukan. Pagdating ng lunch kanya kanyang labas ng binaon at aamuy na ang mga nag-aaromahang isda, tuyo, sardinas, itlog - susyal ka na kasi nasa abroad ang nanay o tatay mo kapag me hotdog o maling kang baon. Sa baunan panalo, hindi uso ang mga microwaveable plastic nun, dahon ng saging , pinaglagyan ng star margarine o sa pinaglagyan ng ice cream – infairness nakakaabot na ang magnolia sa lugar namin nun o ung plastic na baunan na makikita mo sa palengke. Sa loob ng sampung minuto tapos ang pananghalian nyo, kasi naghahabol kayo sa oras para ituloy yung laro nyo nang nakaraang araw, kelangan makabawi ang bagoong – tawag sa mga talunan na hindi makabawibawi, buti na lang hindi kami nausuhan ng appendicitis. Pagpatak ng alauna asahan mo ang pangangamoy pawis ng classroom, hindi uso ang covered court samin, masarap maglaro sa bermuda sa ilalim ng katanghalian – daig mo pa ang daing sa ilalim ng araw . Wala ng break sa hapon, ala una hangang alaskwatro ymedya na, kaya naman lagging napapakanta ng “ALIVE ALIVE” kasi maraming nakakatulog habang nagkaklase.
Naranasan nyo ba ang mag- gardening? Kasama to sa subject na HELE, ito ung pagdadalhin kayo ng dulos (pangbungkal ng lupa at pang-alis ng damo) masaya to lalo nat pag tipong malapit ng magexam nun, kasi dapat me tumubo sa tinanim nyo, kaya ang style jan NAKAWAN ng tanim, kung ayaw mong manakawan bantayn mo ng 24/7 ang tanim mo – goodluck sayo. Sa hapon, bago “magbayang magiliw” - na mabilis (bumibilis ang beat para makauwi agad), maglalaro pa, soccer – probinsya version, o luksong tinik, luksong baka ( na kahit na tao pa ung tinatalunan mo), walang humpay na habulan-taya, dr.kwak kwak, taguan, pitik bulag (laro ng mga lampa sa habulan), holen (beltokan), pandansing (piko na pampakisig ng binti – muscle cramp) at kung ano ano pang laro na sa pikunan din ang tapos. Pag-uwi, hindi uso ang sinusundo, kanya kanyang pulas na yan, me mga pahabol o pabaon - eto ung nakakapikong pamamatok, pitik o suntok na ginagawa ng mga bata pag nakarating sa kanila, asahan mo kinabukasan gaganti ang napabaunan. Pagdating sa bahay, haharap sa TV, manonood ng mga drama sa hapon, habang kumakain ng puto at kutsinta ni Aling Ipay at isang basong malamig na tubig – SARAAPPPPP. At biglang sisigaw ang lola mo ng – kakadating lang sa Tibi na agad na nakaharap! Mag igib ka muna, maglinis ka ng piggery, mag mag mag mag...balh blah blah.... hay....kaysarap!!!! Maraming masasayang bahagi ng buhay-elementary nuon na hindi mo na-aappreciate kasi bata ka pa, mas gusto mo ang maglaro o manuod ng TV. HAY...... minsan sayang....
Recent comments
1 week 2 days ago
3 weeks 4 days ago
3 weeks 4 days ago
4 weeks 5 hours ago
4 weeks 5 hours ago
4 weeks 14 hours ago
4 weeks 14 hours ago
4 weeks 14 hours ago
4 weeks 12 hours ago
4 weeks 5 days ago