SA KAGUSTUHANG MAILIGTAS SA KAPAHAMAKAN ANG ISANG KABABAYANG PINAY NA HUMINGI SA KANYA NG TULONG, NABALIGTAD PA ANG PANGYAYARI AT NADIIN ANG SUMAKLOLONG KABABAYAN.
“DITO NAKASILIP SA BINTANA NA ITO, DOON SA PINAKAMALIIT, SA LEFT SIDE..KINAWAYAN AKO, MERON AKONG BARKADA DITO SA GILID, LUMABAS AKO DITO, SABI KABAYAN, TULUNGAN MO AKO, SABI N’YA PINOY KA BA, SABI KO OO PINOY…ANONG PROBLEMA MO D’YAN KINULONG AKO KAHAPON PA AKO WALANG PAGKAIN, BIGYAN MO AKO NG PAGKAIN, GUTOM NA GUTOM AKO.”
ITO ANG KWENTO NG MGA NAGMAMALASAKIT NATING KABABAYAN, SABAY TURO SA LUGAR KUNG SAAN MAY ISANG PINAY NA HUMINGI RAW SA KANILA NG TULONG.
AGAD SILANG LUMAPIT SA OWWA NA MABILIS NAMANG KUMILOS PARA ILIGTAS ANG PINAY NA ITAGO NATIN SA PANGALANG ARA.
PERO LAKING GULAT NI OWWA OFFICER HECTOR CRUZ NANG BIGLANG ITANGGI NI ARA NA SIYA ANG BABAENG HUMINGI NG TULONG.
NANG MAKITA NINA KABAYAN SI ARA, WALANG KAGATOL-GATOL NA ITINURO NILA ANG BABAE NA SIYANG HUMINGI SA KANILA NG TULONG.
NAITANONG NI OWWA OFFICER HECTOR CRUZ KUNG ANO ANG MASASABI NI ARA NGAYONG KAHARAP NA N’YA ANG MGA PINOY NA TUMULONG SA KANYA.
PERO TODO TANGGI PA RIN SI ARA, KAYA NAMAN IKINUWENTO NI KABAYAN ANG TALAGANG NANGYARI.
SABI NG ATING MATULUNGUNING KABAYAN, “LUMABAS DAW ITO SA BAHAY N’YA TAPOS BUMALIK ITO SA AKIN SABI MERON DAW BABAENG KAILANGAN NG TULONG, NAKULONG DAW SA TAAS UMIIYAK, LUMABAS AKO, SABI KO, ANO BANG PROBLEMA, EH MAHIRAP MAKIPAG-COMMUNICATE MARAMING DUMADAAN BAKA ANONG ISIPIN NILA, HINDI KO ALAM ANG TOTOONG SITWASYON, GINAWA KO. ANONG GUSTO MONG MANGYARI NGAYON AT SINABIHAN NYA AKO NA KINULONG DAW SIYA AT NILOCK DAW SIYA SA LOOB, YUNG SIM CARD KINUHA WALA SIYANG MAKONTACT, OK ISULAT MO ‘YUNG CONTACT NUMBER NA GUSTO MONG TAWAGAN KO SAYO PARA MAKATULONG SAYO”
PATI ANG AHENSYA AY NAKIPAGTALO NA RIN KAY ARA DAHIL SA BINTANG NIYA NA WALA RAW SIYANG MAKAIN.
KALAUNAN AY UMAMIN DIN SI ARA AT NAGSABI NA NG TOTOO.
“OK, SARADONG USAPAN HA? ANG SABI KO LANG HA! HETO! KUYA TULUNGAN MO AKO BIGYAN MO AKO NG PAGKAIN, NAGUGUTOM AKO, ‘YUN LANG, WALA AKONG IBANG SINABI NA, TAPOS ANG TANONG KO PA ETO, SIYEMPRE AKO, AKO LANG MAG-ISA DOON, HINDI KO ALAM KUNG KAILAN AKO NILA IKUKULONG DOON. TOTOO GUSTO KONG TUMAKAS…..TATALON AKO SA MAY BINTANA, ANO AKO MAGPAKAMATAY!!!”
PERO NAGBAGO ANG DESISYON N’YA DAHIL NAISIP N’YA NA MARAMI PA RAW SIYANG UTANG NA DAPAT BAYARAN SA PILIPINAS AT AYAW PA NIYANG UMUWI. SA NGAYON AY IKINUHA NA RAW SIYA NG AHENSYA NIYA NG IBANG EMPLOYER NA KANYANG MAPAPASUKAN.
DISMAYADO NAMAN ANG ATING MATULUNGING KABABAYAN. “TULAD ITONG NANGYARI NGAYON, MERON KASING SITWASYON NA MERONG ISANG PINAY NA NAGHINGI NG TULONG SA AMIN KAHAPON TAPOS TINULUNGAN NAMIN. NGAYON NATAPOS NA ‘YUNG SESSION LAKING HIYA NAMIN DALAWA KAMI DITO, HUMARAP KAMI NA GAYON ANG NANGYARI, NGAYON BALIGTAD ANG TESTIMONY NG BABAE NA TINULUNGAN NAMIN, HINDI ‘YUN NAMIN KAANO-ANO HA, TINAWAG LANG KAMI SA BINTANA TUMUTULO ‘YUNG LUHA, SIYEMPRE NATURAL TUTULONG KA.”
“SANA NAMAN, SA MGA KAPWA NATIN PILIPINO NA NAGKAROON SILA NG PROBLEMA NA HUWAG NAMAN NILANG IDIIN O KAYA’Y GAGAWA SIYA NG SALITA NA KAMING NADIDIIN”
END
Comments
DENY TO DEATH!!!
ito ay opinyon ko sa kwento ni kaibigang Juandelacruz...
sa takot nung ating kababayan na mawalan ng trabaho at hindi mabayaran ang mga pinagkaka-utangan kaya siguro itinanggi na lang nya na sya yung humihingi ng tulong sa ating isang kababayan din na nagkataon marahil na napadaan sa kanilang lugar at nagkataon din na may mabuting kalooban.
ang aking concern ngayon ay ito....karamihan naman sa ating mga manggagawa ay may mabubuting kalooban at handang tumulong sa kapwa Pinoy kung kina-kailangan, ngunit handa ba tayong ma-ipit sa problema ng ating kababayan na humihingi ng tulong whether may sala man sya o wala??? base sa aking pagtatanong sa isang abugadong Qatari ay maari tayong madamay sa asulto ng sinomang Pinoy na ini-reklamo ng kanyang amo o kaya ng sinoman na magre-reklamo against sa ating tinulungang kababayan....halimbawa (hypothetical lang ito)...may isang Pinay na humingi ng tulong sa atin dahil pinag-samanatalahan o inabuso umano ng amo. sa ating pagmamalasakit, sinamahan natin sya na makarating sa embassy ngunit sa kasamaang palad nasundan tayo ng kanyang amo. sa pangyayaring ito, maari tayong madamay sa problema ng ating tinulungan dahil pwede mag-file ng case sa public prosecutor yung amo at isama tayo sa reklamo....at pwede rin nyang sabihin na "love case" ang nangyari....ang resulta nito kabayan ay kalaboso, pagkawalan ng hanapbuhay at maaring deportation pa.
sa totoo lang, nangamba ako ng kaunti sa paliwanag nung Qatari na kilala ko dahil nagpapa-tunay lang na ang Qatar ay hindi Pilipinas, ibang-iba ang mga batas dito. ang payo niya sa akin, mas mabuti pang i-report mo na lang sa pulis at yung mga otoridad ang makikipag-ugnayan sa embassy.
gayunpaman, saludo ako sa kababayan nating isinugal ang sarili para sa pag-sagip sa kapwa na nanganga-ilangan.
salamat sa pagbasa!
Karagdagang Kaalaman para sa Lahat ng nagbabasa ng storyang ito
Salamat sa iyong magandang mungkahing ito kaibigang Pototoy. Ang pinay mismo ang sumilip sa bintana at humingi ng tulong sa dumaraang kababayan natin, nagugutom itong si pinay dahil ikinulong daw siya ng employer n'ya, kaya naawa naman itong kababayan natin at binigyan ng pagkain.
At para naman sa kaalaman ng nakararami, puwede po kayong tumawag sa mga sumusunod na numbero kung kayo ay nag-aalinlangang tulungan ang kababayan natin.
Philippine Overseas Labor Office (Tawagan sila kung ang problema ay tungkol sa mga labor case o kaya ay mga Domestic Helper) Tel. No. 4861220
Philippine Embassy Assistance to National Unit (Kung ang problema naman ay criminal case or rape case)
Tel. No. 4831585
Maraming Salamat po